Oobligahin ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga bagong upong barangay chairmen na magsumite ng Barangay Anti-Drug Council o BADAC accomplishment report.
Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na isusulong niyang mabigyan ng tatlong linggo ang mga barangay chairmen na magsumite ng BADAC report matapos silang pormal na umupo sa Hulyo.
Iginiit ni Diño ang trabaho ng barangay chairmen ang pagsusulong ng mahigpit na kampanya kontra iligal na droga base na rin sa batas kaugnay sa BADAC.
Bago ang barangay at SK elections nitong May 14, tanging 600 lamang mula sa mahigit 42,000 barangay ang hindi pa nakapagsusumite ng BADAC report at ito ang nirerepaso ng DILG.
Sakaling mabigong magsumite ng badac accomplishment report, inihayag ni Diño ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naturang opisyal.
—-