Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang kinalaman ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula noong buwan ng Abril.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, Officer-in-Charge ng DOH Epidemiology Bureau, karaniwang dahilan kung bakit tumataas ang kaso ng infection ay ang paggalaw ng mga tao dahil sa mas maluwag na restriksiyon sa bansa.
Sinabi ni De Guzman na hindi man ito magdudulot ng severe symptoms, madali parin itong makahawa dahilan ng mataas na admission sa mga ospital.
Samantala, nananatili man sa low risk category ng COVID-19 ang bansa, hindi parin dapat maging kampante ang publiko at dapat ay nasusunod parin ang COVID-19 health protocols.