Labing siyam na bagong x-ray machine ang sinimulan nang ilagay sa tatlong terminal ng NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, layon nitong mapaigting ang operasyon laban sa smuggling at drug trafficking sa paliparan.
Malaki ang maitutulong ng naturang mga bagong x-ray machine para maipatupad ang mahigpit na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag buksan ang mga hand-carried bag and luggage.
—-