Sumalang na sa unang yugto ng orientation seminar ngayong araw na ito ang mga baguhang kongresista isang buwan bago ang pormal na pagbubukas ng 18th Congress.
Alas 8:00 ng umaga nang magsimula ang registration para sa seminar ng mga neophyte congressmen sa south wing annex ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
Itinuturo sa nasabing seminar ang legislative process, ang trabaho ng mga legislative committee, parliamentary procedures at paggawa ng mga panukala.
Ang unang bahagi ng seminar ay tatagal sa June 19 samantalang itinakda naman sa June 24 hanggang 26 ang ikalawang yugto nito at July 1 hanggang 3 ang huling bahagi ng nasabing seminar.
(with report from Jill Resontoc)