Naharang ng mga tauhan ng Bureau Of Customs ang samu’t saring mga bahagi ng Armalite Rifles mula sa China
Inihayag ni NAIA Customs District Collector Carmelita Tulasan, sinasabing pinadala ang naturang bagahe ng isang Ms. Wang mula Shanghai, China at ipadadala ito sa isang Abdullah Abdulamanan ng Cotabato City
Ipinaraan ang naturang bagahe sa Commercial Courier Company subalit nakita sa X-Ray Machine ang kahina-hinalang mga kagamitang nasa loob nito
Dahilan upang bulatlatin ng mga tauhan ng customs ang naturang bagahe kung saan, tumambad ang 16 na piraso ng Short Hand Guard, 4 na Long Hand Guard at 6 na Hand Guard Cap para sa mga Armalite
Sa kaniyang panig naman, sinabi ni PNP Firearms and Explosives Office Chief P/Bgen. Val De Leon na walang Pre-Improtation Permit ang mga nasabing Armalite Parts na itinatadhana ng Customs Regulation Act