Mahigpit ang pagbabantay ng Batangas Provincial Police Office sa mga barangay na iniwan ng mga residente dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Provincial Police Director police colonel Glicerio Cansilao, nagpapatuloy ang regular patrol sa walong barangay na nagkaroon ng evacuation.
Ito ay para mapigilan ang pagkakaroon ng nakawan sa mga naiwang bahay, maliban pa sa seguridad na ipinatutupad sa mga evacuation centers.
Batay sa datos ng Batangas PPO, may 1,228 pamilya na katumbas ng 4,143 indibidwal ang inilikas dahil sa pag-aalboroto ng bulkan na hanggang ngayon ay nasa Alert level 3.
Kinabibilangan ito ng; barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo; Buso-Buso, Gulod at Bugaan East sa Laurel; Palsara sa Balete; Quilling sa Talisay at Don Juan sa bayan ng Cuenca.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala sa panulat ni Abby Malanday