Umakyat na sa 18 kabahayan sa Valencia City sa Bukidnon ang bahagyang napinsala sa pagtama ng Magnitude 5 na lindol noong Sabado.
Batay ito sa naging tala ng DANA o Damage Assessment and Needs Analysis ng Valencia City Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ayon pa sa DANA-CDRRMC, aabot sa mahigit P63,000.00 ang kabuuang danyos ng nasabing lindol sa mga istruktura at ari-arian sa kanilang lungsod.
Hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang mga sugatang biktima ng lindol sa Polymedic Hospital sa nasabi ring lungsod.