Sumampa na sa mga bahay ang tubig-dagat sa gitna ng hagupit ng bagyong Karding sa Polillo Island, Quezon.
Kinumpirma ni Geneva Mopera, Public Information Officer ng Polillo Local Government, dakong ala-5 kahapon nagsimulang pasukin ng tubig ang Barangay Poblacion.
Ito, ayon kay Mopera, ay dahil sa sobrang laki ng mga alon na sinabayan pa ng high tide.
Labing-pitong coastal barangay na ang apektado ng storm surge o daluyong at mga pagbaha sa nasabing bayan.
Kabilang ang polillo sa mga lugar na isinailalim sa Public Storm Signal no. 5.