Nagsimula nang bumalik sa Metro Manila ang mga nagbakasyon mula sa kani- kanilang probinsya para sa Undas.
Sa monitoring ng Manila North Tollways Corporation, kahapon ng tanghali hanggang kaninang pasado ala-1:00 ng madaling araw ay nakaranas ng pagsisikip sa North Luzon Expressway o NLEX dahil sa pagdagsa ng mga bus at sasakyan na daling probinsya.
Gayundin ang naitalang sitwasyon sa South Luzon Expressway o SLEX.
Naistranded naman ang higit isang libong mga pasahero mula sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, ito ay dahil hindi pinayagan na maglayag ang may 80 mga rolling cargo dahil sa masamang panahon.
Kahapon ay sinuspindeng ang pagdaong at pagalis ng mga sasakyang pandagat sa Batangas Port ngunit nagbalik operasyon na ito kaninang ala-1:00 ng madaling araw.
Inaasahan na kokonti na lamang ang mga magbibiyahe pauwi sa Kamaynilaan dahil marami na sa mga bakasyunista ang nagsimulang bumalik noon pang Martes, Oktubre 31.
—-