Nagsisimula nang magsibalikan sa Metro Manila ang mga bakasyunista mula sa mga lalawigan na nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ito’y dahil sa magsisipasukan na ang mga estudyante’t manggagawa simula bukas, araw ng Lunes, Enero 4.
Batay sa tala ng Philippine Coast Guard, halos nasa 100,000 na ang mga biyaherong dumating sa Batangas Port kahapon.
Kaya naman nananatiling naka heightened alert ang Coast Guard dahil inaasahan pang madaragdagan ang nasabing bilang sa paglaon ng araw na ito.
Samantala, tulad ng inaasahan, nagbalik na rin sa normal ang sitwasyon ng trapiko sa kamaynilaan partikular na sa EDSA.
Ito’y dahil sa pagbabara sa bahagi ng Cubao sa Quezon City bunsod ng mga dumarating na bus mula sa mga lalawigan.
By: Jaymark Dagala