Patuloy ang dagsa ng mga bakasyunistang pabalik ng Metro Manila sa pagtatapos ng Semana Santa.
Kahapon pa lamang ng Linggo ng Pagkabuhay ay nagsimula nang sumikip ang daloy ng trapiko sa southbound lane ng North Luzon Expressway partikular sa San Simon at Bocaue Exits.
Ganito na rin ang sitawsyon sa Subic – Clark – Tarlac Expressway o SCTEX para naman sa mga nanggagaling ng Norte tulad ng Baguio City at Ilocos Regions.
Samantala, mabigat na rin ang daloy ng trapiko sa northbound lane ng South Luzon Expressway partikular sa bahagi ng Alabang Exit at C5 on Ramp.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na planuhing maigi ang kanilang biyahe sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga alternatibong ruta upang hindi maipit sa buhos ng mga bakasyunistang magbabalik Maynila ngayong araw.
By Jaymark Dagala