Posibleng mabili na sa merkado pagsapit ng taong 2023 ang mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ginagawan na ito ng plano ng gobyerno para maging bukas sa lahat ang mga bakuna.
May ititira naman ang gobyernong bakuna na ilalaan para sa mga komunidad na hindi ito kayang bilhin.
Partikular ito sa mga sakit laban sa cholera, tigdas at polio.
Samantala, pinaplano na rin ng gobyerno na i-centralize ang pagbili ng bakuna kontra COVID-19. —sa panulat ni Abby Malanday