Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na darating na sa pilipinas ang mga bakuna kontra COVID-19 mula sa kumpaniyang Pfizer BioNTech sa ilalim ng Covax Facility.
Ito’y sa WHO ay sa sandaling malagdaan na ng Pilipinas at ng Pfizer ang indemnification agreement kaya’t asahan na makararating sa bansa ang mga bakuna sa loob lang ng dalawang linggo.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, nakapagsumite na ang Pilipinas ng proposed indemnification agreement nito sa Covax Facility at hinihintay na lamang ang pfizer na magpasa ng kanilang counter-proposal.
Aabot sa 2 milyong karagdagang doses ng mga bakuna mula sa Pfizer ang matatanggap ng Pilipinas sa sandaling maselyuhan na ang nasabing kasunduan.