Nilinaw ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat na hindi maaaring mag-donate ng dugo ang mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon sa DOH, ang sinumang nabakunahan laban sa COVID-19 ay maaring mag-donate ng dugo anumang oras kung ito ay asymptomatic at labing-apat na araw matapos ang sintomas o recovery mula sa sakit.
Kabilang sa standard criteria para sa blood donation ay dapat nasa edad 16 hanggang 45, may timbang na hindi bababa sa 50 kilograms;
Hindi sumailalim sa minor o major surgery, bagong tatoo, body piercings at nagpaturok ng anti-rabies o anti-tetanus vaccine sa nagdaang taon; hindi dapat nauugnay sa high risk behaviors tulad ng casual sex;
Male to male sex, multiple sexual partners; kung may Diabetes at hypertension, dapat ito ay kontrolado at kung may ibang sakitay kailangan munang masuri.
Pinayuhan naman ng kagawaran ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na impormasyon lalo sa social media.