Nilinaw ng Department of Health (DOH) na maaaring mag-donate ng dugo ang mga taong nabakunahan, kabilang na ang mga nagpositibo sa Covid-19.
Ito ay matapos kumalat ang maling impormasyon sa online platforms na nagsasabing hindi na makakapag-donate ng dugo ang mga nabakunahan.
Samantala, ayon sa DOH, ang mga asymptomatic na tao ay maaaring mag-donate anumang oras, ngunit para sa mga pasyenteng may sintomas at nagpapagaling, pagkatapos pa ng labing apat na araw ang kailangan bago sila makapag-donate ng dugo.—sa panulat ni Kim Gomez