Hindi na kailangan ng RT-PCR test result ang mga bakunadong indibidwal sa Bohol.
Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Bohol, hihingan nalang ng proof of full vaccination at isang government issued identification card ang mga papasok sa nasabing probinsya.
Kailangan din na ma-secure ng mga biyahero ang approval via S-Pass na hinihingi ng Lokal na Pamahalaan.
Matatandaang una nang nag-anunsyo ang Cebu City, Mandaue City at Roxas City kaugnay sa pagpasok ng mga biyahero sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng pagpresenta ng vaccination card na may QR code, vaccination certificate at isang valid identification card.
Bukod pa dito, nilinaw din na maituturing na fully-vaccinated ang isang indibidwal 14 na araw matapos matanggap ang ikalawang dose sa two-dose series o 14 na araw matapos ang single-dose vaccine.—sa panulat ni Angelica Doctolero