Inirekomenda ng OCTA Research Group na mga fully vaccinated lamang na pasahero ang isakay sa mga pampublikong sasakyan makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force ang gradual increase sa bilang ng mga pasahero na papayagan sa loob ng mga pampasaherong sasakyan.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, ito ay para matiyak na hindi na tataas pa ang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Giit pa ni David, bagamat marami nang nabakunahan kontra COVID-19 sa Metro Manila ay may mga pasaherong nagmumula sa mga karatig lalawigan at hindi tiyak kung bakunado na ang mga ito.
Kaugnay nito, hinikayat naman ng OCTA ang gobyerno na pabilisin ang pagbabakuna sa mga kalapit na lalawigan. —sa panulat ni Hya Ludivico