Tinatayang nasa 67% na ang mga bakunado kontra COVID-19 na tourism workers sa bansa.
Ani ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang panayam, prayoridad rin umano ng pamahalaan na mabakunahan ang mga tourism workers sa mga lugar na tourist spot upang mapagaan ang mga travel restrictions sa mga tourist destinations na ito.
Nabanggit rin ni Secretary Puyat, na inaasahang sa susunod na 2 o 3 linggo maabot na ng Boracay Island ang 100% vaccination rate sa lugar. — Sa panulat ni Joana Luna