Pinauubaya ng Department of Health (DOH) sa mga eksperto ang pagtugon sa takot ng publiko na magpaturok ng COVID-19 vaccines.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magsasagawa sila ng town hall meeting kasama ang mga eksperto upang talakayin ang bisa ng bakuna.
Binigyang diin ni Vergeire na ang mga bakunang nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at epektibo dahil dumaan ito sa evaluation.
Sinabi ni Vergeire na karaniwang pinangangambahan ng publiko sa bakuna ay baka magkaroon sila ng sakit at ikamatay ang pagpapabakuna.
Samantala, nakapagtala lamang ang Pilipinas ng 0.14% na “serious adverse events” matapos ang vaccinations kung saan lumalabas na mas nakakatulong ito kumpara sa masamang epekto nito sa katawan ng tao.