Wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 infections sa mga bakwit, mahigit isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Sinabi ni NDRRMC Spokesman Mark Timbal na patuloy nilang pina-aalalahanan ang Local Government Units na tiyaking nasusunod ang minimum public health standards sa evacuation centers.
Aminado si Timbal na mahirap para sa mga L.G.U. na humarap sa iba’t ibang tungkulin pero sa tulong ng mga health official, ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito upang matiyak na hindi kakalat ang COVID-19.
Nanawagan din ang N.D.R.R.M.C. OFFICIAL sa evacuees na ipagbigay-alam sa mga otoridad sakaling nakararanas ng sintomas ng naturang virus.
Sa ngayon ay mahigit 100 Evacuation Centers ang nananatiling bukas matapos manalasa ang bagyo sa Visayas, Mindanao at Palawan. —sa panulat ni Drew Nacino