Mismong ang DSWD o Department of Social Welfare and Development ang lalapit sa mga bakwit para ibigay ang tulong na nararapat sa kanila.
Ito ang tugon ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo makaraang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Ranao Rescue Team na huwag gawing namamalimos ang mga bakwit para lamang makakuha ng kanilang Ramadan Cash Assistance.
Ayon sa kalihim, mahigpit ang naging atas sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing maagap ang pagkalinga sa mga bakwit nang may dignidad bilang isang Pilipino.
Kasunod nito, umapela ang kalihim sa publiko na ipagbigay alam lamang sa kanila sakaling may mga bakwit ang mag-ikot sa iba’t ibang lugar upang humingi ng limos.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping