Nanawagan ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao sa mga bakwit na magparehistro sa DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay ARMM Executive Secretary Laisa Alamia, kinakailangan na makakuha ang mga evacuees ng disaster assistance and family access card upang mabigyan ng kaukulang ayuda mula sa gobyerno tulad ng monetary at material assistance.
Tinukoy ni Alamia na partikular na dapat na magparehistro ang mga evacuees na nanunuluyan sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa ilang bayan sa Lanao del Sur at iba pang bahagi ng Mindanao.
Batay sa tala ng ARMM Humanitarian Emergency Action Response Team, mula sa kabuuang 40, 753 families ay 970 lamang sa mga ito ang nasa evacution areas habang karamihan ay home-based na o nakikitira sa mga kakilala.
By Rianne Briones
Mga bakwit hinikayat na magparehistro sa DSWD was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882