Umakyat pa sa lima ang bilang ng mga evacuee o bakwit na nagpositbo sa COVID-19 sa lungsod ng Marikina.
Pero ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, agad nilang na-isolate ang mga nabanggit na pasyente.
Nagmula aniya ito sa 153 reactive COVID-19 patients na nagpositibo sa rapid test.
Kaya naman puspusan ang ginagawang contact tracing sa nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.
Samantala, sinabi rin ni Teodoro na pinag-aaralan na ng National Housing Authority (NHA) ang mga napinsalang kabahayan sa lungsod dahil sa bagyong Ulysses.