Posibleng dalawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Bulusan, sa Sorsogon.
Inihayag ni health secretary Francisco Duque III na kung magpasya si Pangulong Duterte na bumisita sa Sorsogon ay pupunta rin ang DOH sa naturang lalawigan.
Gayunman, hindi pa anya nila matiyak kung kailan bibisita ang Punong Ehekutibo sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.
Tiniyak ng kalihim na bukod sa pangangailangan ng mga bakwit ay mino-monitor din ng local frontliners ang sitwasyon sa mga evacuation centers, partikular ang posibleng hawaan ng COVID-19.
Muling pinaalalahanan ni Duque ang mga nasa evacuation center na sumunod sa mga health protocols.