Nangangailangan ng malalaking tents ang evacuees sa Ormoc City.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, tatlong tao lang kasi ang kasya sa mga tent na unang naibigay sa kanila bilang donasyon.
Hindi aniya kasya ang isang pamilya sa iisang tent.
Sinabi pa ni Gomez na nakakadagdag pa sa problema ng mga evacuees ang pagbuhos ng malakas na ulan at sunud-sunod na mga aftershocks maging ang kawalan ng kuryente sa lungsod.
- Ralph Obina