Nanawagan ang Palasyo sa publiko na maghintay lamang ng opisyal na anunsyo mula sa kanila patungkol sa anumang posibleng pagde-deklara ng walang pasok.
Ito ay sa gitna ng naglalabasan pa ring mga post sa iba’t-ibang social networking sites na nagsasabing walang pasok sa panahon ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at related meetings sa Nobyembre.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dapat mag-abang lamang at tiyak aniyang may ilalabas silang anunsyo na may kaugnayan sa naturang event.
Sinabi ni Abella na kung anuman ang mga nababasa sa internet na nagsasabing deklaradong non-working holiday ang Nobyembre 12 hanggang 15 dahil sa ASEAN Summit, hindi ito opisyal at wala umanong kinalaman ditto ang Palasyo.
Sa Nobyembre ang pagtatapos ng hosting ng Pilipinas sa ASEAN na kung saan pupunta ang malalaking lider ng bansa gaya nina US President Donald Trump at Vladimir Putin ng Russia.