Nagsimula nang kolektahin ng Presidential Electoral Tribunal ang mga ballot boxes mula sa lalawigan ng Camarines Sur.
Ito ay para sa isasagawang recount kaugnay ng inihaing electoral protest ni dating Senador Bong Bong Marcos laban sa nakatunggali nito sa pagka Bise – Presidente na si Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Alex Mapuri, tagapagsalita ng Commission on Elections sa Camarines Sur na kokolektahin lahat ng balota mula una hanggang ikalimang distrito ng lalawigan hanggang sa Biyernes , Enero a – Bente Sais.
Samantala , naniniwala si Mapuri na parehong resulta lamang ang lalabas sa isasagawang recount dahil wala naman aniya talagang naganap na dayaan nuong 2016 elections.