Naibalik na ng Kamara sa Senado ang mga balota na ginamit nitong Canvassing of Votes para sa proklamasyon ng mananalo pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Dakong alas-9 ng umaga noong Biyernes ibiniyahe ang 630 ballot boxes na naglalaman ng 447 box ng Election Returns at 188 box ng Certificates of Canvass (COCs).
Naiturn-over ang mga balota sa tulong ni Plenary Security Unit Chief Policarpio Acoba Jr. at Perimeter Security Chief Juanito Tan Jr. na ibinigay sa Senado sa pamamagitan ni Ronel Manalo ng Senate Office of Sergeant-at-Arms Security Enforcement Service.
Sa kabuuan, naging maayos at mapayapa ang turn-over ng mga balota na mas mabilis kumpara noong nakaraang eleksyon.