Magsisimula nang i-deliver ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga balota para sa gaganaping local absentee voting.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ang mga balotang ito ay ide-deliver sa regional o city offices ng poll body.
Magsisimula ang local absentee voting sa April 27 hanggang 29 kung saan una nang sinabi ni Guanzon na papalo sa halos 25,000 aplikante nito ang naaprubahan.
Mas mataas ang naitala ng COMELEC sa mga makikiisa at aprubado sa local absentee voting ngayong taon kumpara noong 2013 midterm elections na pumalo lamang sa halos 13,000.
By Meann Tanbio | Allan Francisco (Patrol 25)