Nilagyan na ng Commission on Elections (Comelec) ng karagdagang security features ang mga balotang gagamitin sa May 13, 2019 midterm elections.
Ito, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ay upang matiyak ang integridad at kredibilidad ng halalan.
Kabilang aniya sa idinagdag ay ang machine-readable ultraviolet markings na kung hindi mababasa ng makina ay i-re-reject.
Pebrero 9 nang simulan ng National Printing Office (NPO) ang pag-i-imprenta ng mga balota.
Samantala, target ng Comelec na makapagpa-imprenta ng isang milyong balota kada araw simula sa Miyerkoles.
Ayon kay Director Jimenez, mabagal pa sa ngayon ang pag-imprenta ng mga balota na nagsimula noong Sabado.
Inaasahang matatapos ang produksyon ng animnapu’t apat (64) na milyong mga balota sa kalagitnaan ng Abril.
Una nang tiniyak ni Jimenez na mayroong security features ang mga balota ng Comelec kaya’t hindi ito puwedeng pekein.
—-