Iba byahe na ngayong linggo ng COMELEC ang mga balota at iba pang election paraphernalia na gagamitin para sa OAV o Overseas Absentee Voting.
Ipinabatid ito ni Elaiza Sabile-David, head ng COMELEC Office for Overseas Voting matapos isalang sa proper checking ang mga nasabing balota.
Sinabi ni David na nais nilang matiyak na gagana ang lahat ng features ng bagong balota at tatanggapin ito ng mga makina.
Wala naman aniya silang nakikitang problema sa ilang pagbabago sa schedule dahil pasok pa rin ito sa timeline ng poll body.