Sinimulan na ng Commission on Elections na i-deploy sa mga Local Government Unit ang mga balotang gagamitin sa May 9, elections.
Mula sa isang warehouse sa Pasig City, ikinarga na sa mga container van ang nasa 65K balota ng Comelec upang ihatid sa iba’t ibang lungsod at bayan.
Kaninang hatinggabi naman umalis ang pitong container van na isasakay sa mga barko patungo sa mga lokal na pamahalaan ng BARMM at Zamboanga Peninsula.
Ito ang unang batch ng mga balota na ipadadala sa iba’t-ibang lugar sa bansa na tatagal hanggang Mayo a–5.
Didiretso sa mga Treasurer’s Office ng mga LGU ang mga balota upang doon itago bago dalhin sa mga presinto sa mismong araw ng halalan.
Tiniyak naman ng poll body ang seguridad ng mga balota at kasama nila ang pulisya at militar sa loading at sealing ng mga nasabing election material.