Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang pagpapadala sa mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting para sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay Comelec Director III Elaiza David ng Office for Overseas Voting, natapos na ang pag-imprenta at ipina-pack na lamang ito para maipadala sa ikalawang linggo ng buwan.
Tatagal ng tatlumpung (30) araw ang voting period para sa halos dalawang milyong mga overseas voter kung saan ang pinakamarami ay matatagpuan sa Middle East at Africa.
National positions lamang ang maaring iboto ng mga ito o ang labing dalawang senador (12) at isang party-list group.
Inaasahan ng Comelec na mas marami pang mga Pilipino sa ibang bansa ang makikiisa sa eleksyon.
—-