Isa sa mga prayoridad ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga ililimbag na official ballots na gagamitin sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, kabilang sa mga uunahin sa pag-imprenta ang mga balota para sa mga malalayong probinsya tulad ng ARMM.
Giit ni Bautista, kailangan pa kasing idaan ang mga ito sa Philippine Postal Corporation para maipadala sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Nilinaw ni Bautista na ihuhuli sa printing ang mga malalapit na lalawigan kabilang na ang Metro Manila o National Capital Region.
Aabot naman sa 1.1 milyong balota ang ini-imprenta ng COMELEC para sa mga overseas absentee voters o OAV.
By Jelbert Perdez