Mariing itinanggi ng Malakaniyang na pag abuso sa freedom of speech ang mga binibitiwang banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at obispo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang tuwirang itinuturo ang pangulo sa kanyang mga banat maliban sa binanggit nitong karanasan sa kamay ng isang pari noong siya pa ay isang batang estudyante sa Davao City.
Giit pa ni Panelo, hindi patas na pagbintangan agad ang pangulo na may kaugnayan sa mga natatanggap na pagbabanta sa buhay ng ilang pari at obispo.
Una rito, pinalagan ng mga kritiko ng pangulo ang paulit-ulit na banat nito sa mga alagad ng simbahan.