Tinututukan na ngayon ng pamahalaan ang pagrekober sa mga nakakalat na bangkay sa Marawi City dulot ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng teroristang grupo na Maute.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, nangangamoy na ang buong barangay ng Bangolo dahil sa mga nabubulok na bangkay bunsod ng bakbakan.
Posible aniyang napatay na mga terorista ang mga nasabing bangkay o hindi kaya’t mga sibilyan na napatay ng mga bandido nuong unang araw pa lamang ng kanilang pag-atake.
Magugunitang nagsilbing stronghold ng mga terorista ang Marawi City kung saan, nahirapan ang militar na pasukin ito dahil sa mga nakabantay na sniper sa lugar.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal