Lagpas na ang bilang ng mga bangkay sa morgue freezer sa Lung Center of the Philippines dahil sa mga pasyenteng namatay bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nabatid na hanggang apat lamang ang maaaring ilagay na katawan sa naturang freezer ngunit napilitan ang ospital na gawin itong 12 dahil sa mabilis na padami ng mga nasasawi.
Ngunit sinabi ni Media Liaison Officer Dr. Nober Francisco, maituturing itong isolated incident dahil aniya sinisikap nila ang mga ito na mabigyan ng dignidad.