HUMINGI na ng tulong sa Department of Justice o DOJ ang mga bangko para sa paghahabol ng mga hinihinalang sangkot sa fraud at cybercriminals sa industriya.
Ayon kay Ramon Jocson, cybersecurity committee vice chairman ng Bankers Association of the Philippines o BAP, tinatayang mahigit isang bilyong piso ang lugi nila kada taon dahil sa paglaganap ng fraud o scam ngayong mas marami na ang gumagamit ng digital transactions sa panahon ng pandemya.
Sinabi rin ni Jocson na nakikipagsanib-pwersa na rin sila sa iba’t ibang stakeholders tulad ng mag social media influencers, government agencies at media para sa mas malawak na kampanya laban sa cybercrimes.