Nagpalabas na ang mga bangko ng kanilang schedule ngayong darating na Holy Week.
Ayon sa BPI, BPI Family Savings bank at BDO, sarado ang lahat ng kanilang sangay at kiosks simula Abril 13, Huwebes Santo hanggang Abril 16 , Linggo ng Pagkabuhay.
Ang Security Bank naman sarado mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria habang ang kanilang branch sa Ninoy Aquino International Airport sa Terminal 1 at 2 ay bukas ngunit mas pinaikli lamang ang banking hours.
Magbabalik naman sa operasyon ng mga bangko pagtapos ng Semana Santa sa Abril 17.
By Ralph Obina