Inalerto ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko sa bansa kasunod ng tangkang pagnanakaw ng mga hackers sa central bank ng Malayasia.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, inabisuhan sila ng Bank Negara Malaysia kaugnay ng posibleng malawakang online theft matapos nito maharang ang tangkang pagnanakaw sa kanilang bangko.
Tiniyak naman ni Espenilla na batay sa kanilang natanggap na report, walang palatandaan na nakapagtransfer ng mga ninakaw na pera ang mga hackers sa Pilipinas.
Una nang nagpalabas ng pahayag ang Bank Negara Malaysia na kanilang nahuli at napigilan ang hindi otorisadong pagta-transfer ng pondo sa kanilang bangko gamit ang pekeng swift messages.