Inatasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang lahat ng mga bangko na higpitan ang mga transaksyon at kilalaning mabuti ang kanilang mga customer.
Ito ay kaugnay pa rin sa pag-leak ng mga personal na impormasyon ng milyun-milyong rehistradong botante makaraang ma-hack ang website ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa BSP, dapat palakasin ang know-your-customer practices sa mga bangko at dapat hingan din ng karagdagang identification o IDs ang bago at lumang customer.
Kasabay nito, pinayuhan din ng BSP ang mga bangko na maging alerto sa posibleng paggamit ng mga nag-leak na impormasyon sa mga transaksyong pinansyal.
By Ralph Obina