Magbubukas na ngayong araw ang mga bangko sa Greece matapos ang 3 linggo na shutdown nito.
Kasabay nito ay nanawagan si German Chancellor Angela Merkel ng mabilis na negosasyon upang maialis na din ang itinalagang limit sa halaga ng wini-withdraw.
Bukod sa pagbubukas ng bangko, nagpasya din ang Greece na taasan ang sinisingil na Value Added Tax sa mga pagkain sa restaurant at sa public transportation.
Sa ngayon, maaari nang mag-withdraw ang Greeks sa mga bangko ng hanggang sa 420 euros kada linggo, mula sa dating 60 euros kada araw.
By Katrina Valle