Mananatiling normal ang operasyon ng mga bangko sa Mindanao sa kabila ng deklarasyon ng Martial Law sa rehiyon.
Naglabas ng advisory ang BAP o Bankers Association of the Philippines na nag-aatas sa member banks nila na may branches sa Mindanao na ituloy ang normal banking operations.
Kabilang sa mga ito ang BDO Unibank Inc., Bank of the Philippine Islands, Rizal Commercial Banking Corp., Philippine National Bank, security Bank, Union Bank of the Philippines, Metropolitan Bank & Trust Co., East West Bank, Development Bank of the Philippines at Land Bank of the Philippines.
By: Meann Tanbio