Muling tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nananatiling ligtas ang pagdedeposito sa mga bangko ng bansa.
Ito ang inihayag ni BSP Governor at Anti Money Laundering Council Chairman Amando Tetangco.
Pinawi ni Tetangco ang pangamba ng publiko dahil sa pagkakasangkot sa money laundering activities ng ilang mga opisyal ng RCBC gayundin ng iba pang personalidad.
Magugunitang 81 milyong dolyar ang ninakaw sa Central Bank ng Bangladesh at nailipat sa Pilipinas sa pamamagitan ng computer hacking.
By Jaymark Dagala