Sarado ang karamihan sa mga bangko sa bansa ngayong Biyernes, ika-9 ng Abril.
Ito’y upang bigyang-daan ang paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong araw.
Kabilang naman sa mga nag-anunsyo na ng kanilang schedule ng oeprasyon ngayong araw ang mga sumumusunod na bangko:
- Bank of the Philippine Islands: Lahat ng sangay, kabilang ang BPI Family Savings Bank, at Bank ay sarado. Automated Teller Machines (ATMs), cash accept machines, online at app services ay mananatiling bukas.
- Metropolitan Bank & Trust Co.: Lahat ng sangay ay sarado. ATMs, mobile app at online services ay mananatiling bukas.
- Security Bank Corp.: Lahat ng sangay ay sarado. Maaari namang tumawag sa kanilang customer service hotline na (02) 8887-9188 mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
- China Bank: Lahat ng sangay ay sarado. Mobile app, online bank, phone banking, at ATMs ay mananatiling bukas.
- Union Bank of the Philippines: Lahat ng sangay ay sarado. Hinikayat ang kanilang mga kliyente na gumamit online o sa kanilang app.
- Land Bank of the Philippines: Lahat ng sangay ay sarado. ATMS, electronic banking channels ay mananatiling bukas. Ilang mga sangay naman ang magbubukas sa Sabado na tatanggap ng tax payments lamang.
- Philippine National Bank: Lahat ng sangay ay sarado, maliban sa sangay sa NAIA 1, 2, at 3 na bukas mula 9 a.m. hanggang 2 p.m. ATMs, cash accept machines, digital banking services ay mananatiling bukas.
- Asia United Bank: Lahat ng sangay ay sarado. ATM, online banking, mobile app services ay mananatiling bukas.
- United Coconut Planters Bank: Lahat ng sangay ay sarado. Ilang mga sangay naman ang magbubukas sa Sabado na tatanggap ng BIR tax payments lamang.
- BDO Unibank: Lahat ng sangay ay sarado. ATMs at online banking services ay mananatiling bukas.
Samantala, nag-anunsyo naman ang BDO Unibank na simula ika-10 ng Abril ay hindi na muna sila magbubukas ng mga bangko tuwing Sabado sa mga lugar na sakop ng NCR Plus o sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.