Handang magpautang ang Bankers Association of the Philippines (BAP) para sa Micro,Small and Medium Enterprises para makapagbigay ang mga ito ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa sa kabila ng pagkalugi at hirap sa pagbangon ngayong pandemya ayon kay BAP M,anaging Director Benjamin Castillo.
Ani Castillo handang makipagtulungan ang BAP sa maliliit na negosyo upang magpatuloy ang operasyon ng mga ito, kasabay ng pahayag ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) na di talaga kaya ng maliliit na negosyo ang mandatong 13th month pay ng DOLE para sa mga manggagawa ngayong pandemic.
Matatandang ang BAP ay kauna-unahang organisasyon ng universal at commercial banks sa Pilipinas na binubuo ng 45 na miyembro, 21 local banks at 24 na foreign banks.—sa panulat ni Agustina Nolasco