Pinaghahanda na ng United Nations – World Health Organization (UN-WHO) ang 194 na member state nito sa posibleng napakalaking peligrong idulot ng Omicron variant ng COVID-19.
Ayon sa WHO, malaki ang posibilidad na kumalat sa mundo ang Omicron at maaaring magkaroon ito ng malalang epekto sa ilang lugar.
Hinimok din ng naturang UN Body ang mga bansa na paigtingin at paspasan na ang vaccination ng mga high-priority group at tiyaking nakalatag na ang lahat upang mapanatili ang mga mahalagang health services.
Samantala, kailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang mabatid ang iba pang katangian ng panibagong variant, kabilang ang posibilidad nitong immunity sa mga bakuna o gamot. —sa panulat ni Drew Nacino