Inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na hindi na muna nila dadagdagan ang mga nasa red list countries sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang gagawin ng kagawaran at ng IATF ay mas paiigtingin nila ang ginagawang control sa borders ng bansa.
Kabilang na rin sa bansang pinaghihinalaang may transmission ng variant ay ang australia nna nasa yellow list, Zambia na nasa green list at Zimbabwe na nasa red list.
Aniya, isa sa pinanghahawakang prinsipyo ng IATF ay hindi kailanman dapat isara ang Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
Sinabi pa ni Vergeire, inirekomenda na lamang ng mga eksperto na higpitan ang pagpapatupad ng mga health protocols upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.