Humanga umano ang iba’t ibang bansa noong ASEAN Summit sa kakayahan ng militar at pulisya sa maagang pagtatapos ng Marawi Siege.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, sa katunayan ay tinanong pa ng Australia sa AFP sa briefing kung ano ang mga taktikang ginamit nila sa paglaban sa Maute – ISIS Group.
Agad din aniyang humiling ng counter terrorism drill ang Australia sa pagitan ng kanilang sundalo at mga sundalong Pilipino.
Kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroong mga bansa tulad ng United Kingdom o UK at Singapore ang nais mag – obserba at makilahok sa balikatan exercises ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.