Naniniwala si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel na kailangan nang makialam ang mga bansang kasapi sa ASEAN sa paglaban sa terorismo sa bansa.
Ito ay matapos mabunyag na mayroong dayuhang terorista na kasama sa mga nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City sa Mindanao.
Ayon kay Pimentel, malaking tulong kung magkakaisa ang mga bansa sa rehiyon sa pagbabantay at pagsugpo sa terorismo.
Samantala, hinimok din ni Pimentel ang publiko na maging mapag-bantay laban sa mga posibleng pag-abuso sa ilalim ng ipinapatupad na martial law.
By Katrina Valle | With Report from Aya Yupangco